Miyerkules, Hunyo 19, 2013

SI KUNEHO AT ANG PAGONG. [by Alliana]

THIS FABLE IS MADE BY OWN AND IS NO COPY-PASTE PORTION. 



---



Malayang nagtatatalon ang kuneho patungo sa kanyang tirahan subalit ang pagong ay humarang, “Maaari bang tumabi ka jan?” Tatalon na sana s’ya ngunit ang pagong ay tumawa, “Hah! Isa kang mayabang na kuneho! Akala mo’y ikaw na ang pinakamabilis dito sa lugar na’tin?!” Kumunot ang noo ng kuneho at tinawananang pagong, “Hahaha! At sino naman ang akala mo, IKAW?! NA KASING BAGAL NANG PAGKA ALIS NG BAGYO?” Ngumiti ang pagong at sinabing, “Oo,” napikon ang kuneho at hinamon ng karerahan ang pagong, “Sige! Kung sino ang mauna sa atin ay mag aalay ng pagkain! Pagkaing kahit ano!” Tumango ang pagong at pumunta s pwesto ng kuneho.



“ISA, DALAWA, TATLO!!” mabilis na naka tago ang pagong sa kanyang ‘tirahan’. Huminto ang kuneho at tinignan ang pagong. “Ano ba--” hindi n'ya natapos ang kanyang sasabihin ng lumabas ang pagong mula sa kanyang 'tirahan'. “Paano ba’yan at nauna ako?” lumait ang pagong kay kuneho. “Sana ay sundin mo ang iyong pusta, kuneho.” umalis ang pagong.




ARAL: H'WAG MAGING KAMPANTE SA LAHAT, KAHIT ALAM NATIN NA KAYA MONG GAWIN YON NG MAAGAP, TANDAAN MO, “MAY MAS MAAGAP PA'RIN SAYO” KAYA ISAISIP LAHAT NG SASABIHIN. H'WAG PADALOS-DALOS.




BY: ALLIANA ANNE MAE CRUZIELLE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento